Dalawa sa 6 na suspek sa pagpatay sa opisyal ng Kamara, arestado

Hawak na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang dalawa mula sa anim na suspek sa brutal na pagpatay sa Technical Director ng House Committee on Ways and Means na si Dir. Mauricio “Morrie” Pulhin.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajard ang isa sa mga naarestong suspek ay naglahad ng extra-judicial confession at ibinunyag na isang dating live-in partner ng biktima na dati niyang nakaalitan ang umano’y utak ng krimen at siya ring kumontrata sa kanila.

Base pa sa salaysay ng mga suspek binayaran umano sila ng P30,000 para isagawa ang krimen.

Sinabi pa ni Fajardo na personal na galit ang nakikitang motibo sa krimen.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang manhunt operation para madakip ang apat pang suspek, kabilang ang dalawang itinuturong mastermind.

Dagdag pa ni Fajardo na nasampahan na ng kasong Murder ang anim na sangkot sa krimen.

Facebook Comments