Dalawampu’t tatlong persons of interest sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, natapos na magbigay ng kanilang impormasyon – NBI

3969

Natapos na magbigay ng impormasyon ang 23 na persons of interest tungkol sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera matapos mag-party sila ng mga kaibigan nito sa isang hotel sa Makati City noong bisperas ng Bagong Taon.

Ito ay kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) sa nagpapatuloy nilang imbestigasyon sa naturang kaso.


Sinabi ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, ang naturang 23 katao ay lahat sa 2207 Room.

Nasa 12 na sakanila ang sumailalim sa drug testing at sa ngayon, hindi pa pinapakita ang resulta ng drug test.

Facebook Comments