Dalawang anggulo, tinitingnan ng Mandaluyong Police sa pagpaslang sa board secretary ng PCSO

94
The dead woman's body. Focus on hand

Sinisilip ngayon ng Mandaluyong Police Station ang anggulong personal at may kinalaman sa trabaho ang pagpaslang kay Philippine Charity Sweepstakes Office Board of Secretary Atty. Wesley A. Barayuga.


Si Barayuga ay tinambangan ng armadong suspek na naka-motorsiklo sa kanto ng Kanlaon at Malinaw Street, Barangay Highway Hills, Mandaluyong City, kahapon ng hapon, July 30, 2020.

Ayon kay Mandaluyong Police Chief Police Col. Hector Grajaldo, dead on the spot ang biktima matapos na magtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Agad naman kinondena ng pamunuan ng PCSO ang pamamaslang kay Barayuga.

Facebook Comments