Dalawang araw na nationwide transport strike, tuloy na tuloy na sa susunod na linggo

102

Manila, Philippines – Tuloy na tuloy na sa susunod na linggo ang dalawang araw na nationwide transport strike na pangungunahan ng National Confederation of Transport Workers’ Union (NCTU).

Ayon kay NCTU Chairman Ernie Cruz — gagawin ang tigil-pasada sa may 22-23.

Layon ng protesta na iparating sa pamahalaan ang kanilang pagtutol sa traffic crisis act of 2016 kung saan nakapaloob ang pag-phase out sa mga pampasaherong jeepney na may edad 15 taon pataas.

Aniya, maraming mga jeepney driver at operators ang mawawalan ng hanap-buhay kapag natuloy ang phase-out.

Samantala, ngayon pa lang ay humihingi na ng paumanhin at pang-unawa sa publiko ang grupo dahil sa abalang maidudulot ng tigil-pasada.

Umaasa rin si Cruz na makikiisa sa kanilang aktibidad ang iba pang mga transport group sa bansa.
DZXL558

Facebook Comments