Dalawang bangkay natagpuan sa loob ng plantasyon ng tubuhan sa bayan ng Matalam North Cotabato

25

Dalawang bangkay ng tao ang natagpuan sa isang sugarcane plantation sa barangay Marbel sa bayan ng Matalam North Cotabato kahapon ng umaga
Sa pagtungo ng Matalam PNP at SOCO team sa lugar ay natagpuan ang dalawang bangkay kung saan ang isa ay nakasuot ng maong shorts ,at naka tsinelas. Hirap kilalanin ang dalawa dahil sa walang pagkakakilanlan sa kanila. Sa ngayon ay patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng Pnp Matalam para matukoy ang dalawang bangkay at ang sanhi ng kanilang kamatayan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments