Dalawang Bangkay ng Lalaki sa Tuguegarao City, Natagpuang Tadtad ng Tama ng Baril!

116

Tuguegarao City, Cagayan – Natagpuan kaninang umaga ang bangkay ng dalawang lalaki na tadtad ng tama ng baril ang kanilang katawan sa loob ng isang bahay sa Brgy. Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa ibinahaging impormasyon ng Tuguegarao City Police Station, kinilala ang dalawang lalaki sa pangalang Kokoy Del Rosario at Pardy ng Zone 3, Tanza, Tuguegarao City.

Nakita umano ni Logit Furigay Marzano ang bangkay ng dalawang biktima nang nagsadya ito sa bahay ng nagngangalang Delmar Annang.

Kaagad namang nagresponde ang Tuguegarao City SOCO Team sa lugar ng pinangyarihan ng krimen at patuloy ang isinsagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng pamamaril sa dalawang biktima.

Facebook Comments