Dalawang bangkay ng pinaniniwalaaang foreign terrorist, narekober sa Marawi City

249

Manila, Philippines – Dalawa pang bangkay ng pinaniniwalaang foreign terrorist ang narekober sa Marawi City.

Ayon kay Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Carlito Galvez Jr. – nasa decomposing state na ang mga bangkay at walang identification documents na nakita.

Sinabi ni Galvez na base sa build ng katawan, tangkad, maputing complexion, hugis ng ilong at hitsura ng muhka ay posibleng taga-middle east ang dalawang bangkay na pinakahuling nakita.


Dahil dito ay umabot na sa 10 ang kabuuang bilang ng mga dayuhang terorista na napatay sa gitna ng gulo.

Kabilang dito ang dalawang malaysian, 2 ang Saudi nationals, 2 Indonesians, isang Yemeni at isang Chechen National.

Facebook Comments