Dalawang bata, patay habang dalawa ang sugatan matapos sumabog ang isang tubo sa Zamboanga del Sur

79

Patay ang dalawang bata habang dalawa ang sugatan matapos sumabog ang isang pipe o tubo sa Kumalarang, Zamboanga del Sur kahapon.

Dead on the spot ang mga biktima na sina Johnkin Gregorio, 8 taong gulang at John Leo Soco Miro, 6.

Habang isinugod sa Pagadian City Medical Hospital sina Rhea Poculan, 13 taong gulang at John Michael Miro, 7 matapos magtamo ng injury sa pagsabog.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinaglalaruan ng mga biktima ang isang kinakalawang nang tubo nang bigla itong sumabog.

Nilinaw naman ng 102nd Infantry Brigade ng Philippine Army na hindi ito kagagawan ng mga terrorista o ng kahit anong criminal group o individual.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente at tinutukoy pa kung anong klaseng bomba ang nagmitsa ng pagsabog.



Facebook Comments