Dalawang batang magkapatid patay sa sunog sa San Fabian, Pangasinan

218

Kalunos lunos ang sinapit ng magkapatid sa Brgy. Tococ, San Fabian, Pangasinan ng hindi nakalabas ang mga ito sa tinitirahang bahay matapos sumiklab ang sunog.
Edad limang taong gulang at isang taong gulang ang nasawi sa naturang sunog.
Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP San Fabian, gabi ng mangyari ang insidente sa mismong bahay ng mag-anak dahil umano sa naiwang nakasinding kandila.
Wala umano sa bahay ang ina ng mga biktima ng sumiklab ang sunog.
Napag alaman din na kakalipat lamang nila sa bahay na ikalawang araw pa lamang nila sa naturang bahay ng mangyari ang sunog.
Sa ngayon inaalam na ang kabuuang halaga ng danyos sa nasabing sunog.

Facebook Comments

From Advertisers