Dalawang batas na mapapakinabangan ng mga sundalo at pulis, ipinanawagan ni Pangulong Duterte sa Kongreso

115

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na ipasa ang dalawang bagong batas na mapapakinabangan ng tropa ng pamahalaan.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) kasabay ng kanyang pagnanais na pagbutihin ang kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).


Ayon kay Pangulong Duterte, kaya nang harapin ng government troops ang communist insurgency, paglaganap ng ilegal na droga, at kriminalidad.

“Our armed forces were ill-equipped to deal with internal and external threats, while the police force had been overwhelmed by criminality and the drug trade problem,” ani Pangulong Duterte.

“This is why I made it a priority to strengthen the institution and boost the morale of the men and women of the Armed Forces of the Philippines, and the Philippine National Police, and other armed services,” anang pangulo.

Nagpasalamat din si Pangulong Duterte sa Kongreso na maitaas ang sahod ng mga sundalo at pulis lalo na at kritikal ang kanilang ginagampanan para itaguyod ang pambansang seguridad at kaayusan.



Panawagan ng pangulo sa Kongreso, ipasa ang Unified System for Separation Retirement, at Pension of Military and Uniformed Personnel para mapanatili ang government fiscal flexibility at maibigay ang kinakailangang benepisyo sa mga unipormadong tauhan ng gobyerno.

Napapanahon na rin dapat para ipasa ang batas na layong magbigay ng legal assistance sa AFP at PNP officers para madepensahan nila ang kanilang mga sarili mula sa mga kasong kinakaharap na may kinalaman sa pagganap ng kanilang tungkulin.


Facebook Comments