Dalawang Batch na bakuna laban sa COVID-19 inaasahang darating sa NAIA ngayong araw

51

Inaasahan na dalawang Batch ng COVID-19 vaccines ang inaasahang dumating sa Ninoy Aquino International Airport NAIA ngayong araw.

Sa abiso ng MIAA ng Media Affairs Division alas 12:30 inaasahang lalapag ang flight NH-8595 sa NAIA Terminal 1 lulan ang 896,000 doses ng Astrazeneca Vaccines.

Ang mga bakunang dadating ay bahagi umano ng donasyon ng Japan sa Pilipinas.


Habang ang pangalawang Batch na bakuna ay nakatakdang dumating naman mamayang alas 9:20 ng gabi.

Inaasahang lalapag ang Air Hong Kong flight LD-456 sa NAIA Terminal 3 lulan ang 976,950 doses ng Pfizer Vaccines.

Magkaroon ng seremonya mamaya upang markahan ang 100 Million milestone ng pagdating ng mga bakuna sa NAIA.



Facebook Comments