Dalawang binatilyong sinita dahil walang suot na helmet, arestado matapos makuhanan ng shabu

38

Kalaboso ang dalawang binatilyo matapos makuhanan ng ilegal na droga nang sitahin sila ng mga pulis dahil walang suot na helmet.

Nakilala ang mga suspek na sina Renan Kayle Tolosa Herara at Mark Omega.

Nakuha mula sa kanila ang dalawang maliliit na transparent plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu.

Ginawa ang Oplan Sita ng mga pulis ng Makati City Sub-Station 9 sa may Sampaguita Street, Brgy. Rizal pasado alas-10:30 kagabi.

Nakakulong na ang mga suspek sa Makati City Police Station Custodial Facility at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Naka-impound naman ang motorsiklong ginamit ng mga suspek at magbabayad din sila ng multa kaugnay sa driving without helmet at driver’s license.

Facebook Comments