Dalawang brgy kagawad sa Negros Oriental patay sa pamamaril

92

Dead on the spot ang dalawang brgy kagawad matapos na pagbabarilin ng dalawang suspek sa Sitio Napac-An, Brgy Kalumboyan Bayawan City, Negros Oriental.

 

Kinilala ang mga nasawi na sina Felipe Condez Jr.,  60 anyos  at Jonesis Condez 31 anyos kapwa brgy kagawad ng Brgy Kalamtukan.


 

Sa ulat ng PNP Negros Oriental alas 10:30 ng umaga kanina sakay ng motorsiklo ang dalawang biktima pauwi sa kanilang bahay sa brgy Kalamtukan mula sa Bayawan City.

 

Pagsapit nila sa may Sitio Napac-An brgy Kalumbitan Bayawan City ay bigla silang pinagbabaril ng mga suspek na sakay rin ng motorsiklo dahilan ng kanilang pagkamatay.

 

Nakatakas naman agad ang mga suspek na ngayon ay target na sa manhunt operation ng PNP at nagpapatuloy rin imbestigasyon sa krimen.

Facebook Comments

From Advertisers