Dalawang bus, sakay ang ilang dayuhang atleta patungo sa Philippine Arena na-aksidente

7368

 

Dalawang bus na may sakay na mga dayuhang atletang kalahok sa Southeast Asian Games ang nagkabanggaan sa bahagi ng North Luzon Expressway, (South bound-Bocaue exit)


 

Ito ang kinumpirma ni Atty Jarie Osias, tagapagsalita ng Philippine Asian Games Organizing Committee o PHISGOC.

 

Ayon kay Atty Osias, kinukumpirma pa nila ang mga impormasyong nakarating sa kanila.

 

Sa initial na detalye ay biglang may huminto sa harapan ng bus sakay ang mga atleta na mula sa Vietnam kaya bigla din itong huminto.

 

Kaya naman nabangga ito sa likuran ng bus sakay ang mga atletang mula sa Laos.

 

Ayon kay Atty Osias, walang napaulat na nasaktan sa aksidente.

 

Facebook Comments