Dalawang buwang grace period sa bayad sa amortisasyon at upa, inaprubahan ng NHA

52

Inaprubahan na ng National Housing Authority (NHA) ang dalawang buwang grace period para sa pagbabayad ng amortisasyon at upa.

Sakop nito ang lahat ng kanilang proyekto kasama ang residential, komersyal, industrial at institutional na mga account.


Ayon sa NHA, awtomatiko na nila itong ipoproseso kaya’t hindi na kailangan pang pumunta sa kanilang tanggapan at tiniyak din nilang walang karagdagang interes ang pagsuspinde sa amortisasyon.

Sa January 1, 2021 na ulit sisimulan ng NHA ang paniningil batay na rin sa Bayanihan to Recover as One Act or Bayanihan 2.

Facebook Comments