Dalawang carnapper patay sa operasyon ng PNP sa San Rafael, Bulacan

69

Nasawi ang dalawang motocycle carjackers matapos na maging target ng operasyon ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) kahapon ng madaling araw sa San Rafael, Bulacan.

Sa ulat na ipinarating kay PNP Chief General Debold Sinas ng PNP-HPG, nakipag-barilan at nakipaghabulan ang dalawang karnaper habang sakay ng ninakaw nila Yamaha Mio Motorcyle sa mga pulis sa Bypass Road, Brgy. San Roque, San Rafael, Bulacan.


Una nito, nakatanggap ng voice alarm ang PNP-HPG mula sa San Rafael Municipal Police Station kaugnay sa ginawang pagnanakaw ng motorsiklo ng dalawang suspek na nangyari sa Brgy. Sampaloc.

Agad na ikinasa ng PNP-HPG ang operasyon kaya naharang ang dalawang suspek pero sa halip na huminto ay pinagbabaril ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis dahilan ng pagkasawi ng mga suspek.

Facebook Comments