Dalawang Chinese nationals na nahuling nag-o-operate ng underground COVID-19 hospital sa Pampanga, hindi muna ide-deport

106

Hindi muna ide-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese nationals na inaresto dahil sa pagpapatakbo ng underground COVID-19 hospital sa Pampanga.

Sa halip, inilagay lamang sa alert list ang dalawa para matiyak na hindi ito makakalabas ng bansa at para matiyak na makakadalo sila sa kasalukuyang criminal at administrative investigation laban sa kanila.


Ayon sa BI, ang mga Chinese nationals na sina Liu Wei at Hu Shiling ay hindi magiging “cleared for departure” at sa halip sila ay ini-imbestigahan ng BI intelligence at legal divisions.

Sina Liu at Hu ay pinakawalan noong mismong araw na sila ay naaresto at walang isinampang kaukulang kaso laban sa kanila.

Nagsasagawa rin ang National Bureau of Investigation (NBI) ng hiwalay na imbestigasyon sa iba pang Chinese nationals na naaresto sa Makati City dahil sa kaparehong kaso.

Facebook Comments