DALAWANG CRIMINOLOGY STUDENTS SA URDANETA CITY, TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION NG PULISYA

49

Hindi na nakapalag pa ang dalawang estudyante matapos silang mahuli sa ikinasang buy-bust operation kontra iligal na droga ng pulisya sa Binalonan, Pangasinan.

Napag-alaman sa operasyon ng pulisya sa Barangay San Felipe Sur, Binalonan na ang dalawang suspek ay pawang mga criminology students, parehong tubong Urdaneta City, nadampot sa dalawa ang tatlong (3) piraso ng plastic sachets na hinihinalang tuyong dahon ng Marijuana.

Nasa kustodiya na ang dalawa at kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang kasong kahaharapin ng naturang mga akusado.


Facebook Comments