Nasagip mula sa pagkakalunod ang dalawang babae habang naliligo ang mga ito sa baybayin ng Bonuan Binloc, Dagupan City.
Ang mga ito ay mula pa sa Baguio City at nagtungo sa lugar upang ipagdiwang ang kanilang kaganapan sa isang resort.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Franklin Jacinto, isang empleyado ng katabing resort, na siya ring hindi nagdalawang isip na suungin ang malalaking alon upang iligtas ang dalawa, naganap ang insidente dakong tanghali nitong ika-29 ng Enero.
Gamit lamang ang isang galon ng tubig, nailigtas mula sa bingit ng kamatayan ang mga dalagita.
Bagamat malaking bagay ang pagkakasagip sa dalawa, bago pa man kunin at iahon ang isa pang nalulunod na kasamahan, ay huli na dahil tuluyan na itong nalunod.
Ayon sa kanya, sinubukan pang irevive ito, ngunit sa kasamaang palad ay nasawi ang biktima.
Nagpahayag ng lubos na pasasalamat ang kaanak ng mga biktima kay Jacinto dahil sa ipinakita nitong walang pag-aalinlangang rumesponde sa naturang insidente.
Ayon kay Jacinto, malaking bagay ang natutunan nitong basic skills training pagdating sa paglalangoy dahil naging daan ito upang makapagligtas ng mga buhay.
Nagbahagi rin ng salaysay ang amo nito at inihayag ang pagkakataong pinaniniwalaang itinakda ng Maykapal dahil hindi dapat ito umano magrereport sa araw na iyon.
Pagbabahagi ni Franklin ang ilang mga paaalala para sa mga beachgoers lalo ngayong nararanasan ang matataas na alon sa mga baybayin sa lalawigan.
Samantala, ito umano ang kauna-unahang drowning incident sa nasabing baybayin hanggang sa kasalukuyan na agad ding na-respondehan ng isang bayani. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨