Dalawang domestic flights ng Cebgo Airlines, kanselado ngayong umaga

33

Kinansela na ng Cebgo Airlines ang dalawa nilang domestic flights ngayong umaga dahil sa masamang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority o MIAA, hindi pinayagang ng nasabing airlines na lumipad ang kanilang eroplano na may Flight DG 6031/6032 mula Manila patungong San Jose, Occidental Mindoro at pabalik ng Manila.

Ang nasabing kanselasyon ay dahil na rin sa sama ng panahon sa lalawigan ng Mindoro na epekto ng Bagyong Maring.


Muling pinayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan muna sa kanilang airlines para sa kanilang panibagong flight schedule bago magtungo ng paliparan.

Facebook Comments