Dalawang drug personalities, huli sa drug operation sa Cebu; halos ₱900,000 shabu, nakumpiska

75

Nakumpiska ng mga tauhan ng Cebu Police ang ₱884,000 na halaga ng shabu at naaresto ang dalawang drug suspek sa ikinasang drug operation sa Purok Mahogany, Brgy. Estaca, Compostela, Cebu.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief BGen. Rhoderick Augustus Alba, ang mga naarestong drug suspek ay kinilalang sina Henry Yungco Montalban, 42-anyos at Roel Gabunada, 27-anyos.

Nakuha sa kanila ang 130 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱884,000, isang caliber 45 at isang Kimber pistol na may apat na live ammunitions.


Tiniyak naman ng pamunuan ng PNP na hindi sila titigil sa operasyon kontra iligal na droga.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Compostela MPS ang dalawang suspek para sa documentation at proper disposition.

Facebook Comments