Dalawang drug personalities, patay sa operasyon sa Parañaque

ParaƱaque City, Philippines – Patay ang dalawang drug personalities sa Nia Rd. riverside 1, MIA Rd. Brgy. Tambo, ParaƱaque City matapos makipagbarilan sa mga nagpapatrulyang pulis.

Natunugan ng hindi pa makilalang mga suspek na paparating ang mga otoridad kaya nagpaputok ng baril ang mga ito.

Agad naman na nakaganti ng putok ang mga nagpapatrulyang pulis na ikinasawi ng isang alyas Toto at kasamahan nito.


Narekober sa crime scene ang isang caliber 38, isang live bullet, limang basyo, isang caliber 22 colt, isang digital weighing scale, at sampung sachet ng shabu.

Nakatakdang isailalim sa otopsiya ang labi ng mga suspek.

Facebook Comments