Dalawang drug pusher, arestado sa Iligan

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki na mga tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod ng Iligan.

Nagtutulak ng droga ang dalawa sa Brgy. Palao, Iligan City na kinilala ng pulisya na si Nabel Usman at Ahmed Cahar na todo tanggi sa krimeng ginawa at sinabing mula sila sa Marawi City.
Pero pinabulaanan ito ni Senior/Insp. Virgil Cabili ng PNP Iligan station 5 dahil mga talamak ang dalawa sa pagbebenta ng droga.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act.


DZXL558

Facebook Comments