Dalawang empleyado ng Taytay, Rizal na lumabag sa IATF, sinuspinde ng alkalde

66

Inutusan na ni Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula si Ms. Jean Araullo, Head ng Human Resource Management Office, na agad sinuspinde sina Municipal Public Safety Office (MPSO) Personnel Ronaldo Medel, driver, at Ms. Amy Santos dahil sa paglabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) rules on social distancing.

Ayon kay Mayor Gacula, tanging ang driver lamang ang dapat na nagmamaneho ng motorsiklo at bawal ang angkas dahil sa mahigpit na ipinatutupad ang social distancing.


Paliwanag ng alkalde, bukod sa paglabag sa social distancing, pinagmumulta rin ang dalawang empleyado ng ₱2,500 para sa paglabag sa Municipal Ordinance sa pagpapatupad ng IATF guidelines.

Giit ni Mayor Gacula, hindi nito kinukunsinti ang kanyang mga empleyado na lumalabag sa umiiral na batas.

Facebook Comments