Dalawang estudyante, nahulihan ng marijuana sa QC

54

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang Collegestudent matapos mahuli umanong gumagamit ng marijuana sa loob ng isang bar saQuezon City.
Kinilala  ang mgasuspek na sina SJ Sta. Teresa at Ryan Delosata, kapwa 18-anyos at residente ngChilito Homes, Brgy. 177 ng Quezon City.
Ayon kay Ramil Laguyo, head bouncer ng bar naamoy umanonila ang banyo na tila mayroong  kakaibaamoy  at lalo silang nagduda nangmapansin ang apat na kalalakihang lumabas sa banyo kahit na pang-isahan lamangito.
Nang kapkapan umano ng bouncer  ang mga kalalakihan ay napansin na maytinapong paraphernalia ang isa sa mga suspek kayat tumawag na sila ng mga  pulis.
Sinubukan pang tumakas ng mga suspek at nagkahabulan pakung saan naaresto ang dalawa at nakatakas naman ang kasama nito. Depensa ngdalawa, bagamat aminado silang gumagamit ng marijuana ay hindi sila anggumagamit umano sa banyo.
Nakatakdang sampahan ng paglabag sa Republic Act 9165 oComprehensive Dangerous Drugs Act 2002 ang dalawang estudyante.

Facebook Comments