Dead on arrival sa pagamutan ang isang babae at lalaking mag-aaral matapos masalpok ng pampasaherong bus noong umaga ng Sabado sa national highway sa Brgy. Bued, Binalonan, Pangasinan.
Sa naging imbestigasyon ng pulisya, aksidenteng nabangga ng bus ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima habang tumatawid sa kabilang kanto ng naturang daan.
Dahil sa banggaan, tumilapon ang mga sugatang biktima sa daan. Nadala pa sa pagamutan ang mga ito ngunit idineklarang dead on arrival.
Napag-alaman na hindi nakasuot ng helmet ang dalawang biktima nang mangyari ang insidente.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang kaso para sa tamang disposisyon at posibleng pananagutan ng sangkot sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










