Sugatan ang dalawang mag-aaral matapos maaksidente habang sakay ng motorsiklo sa bahagi ng Brgy. Batchelor East, Natividad, Pangasinan.
Batay sa imbestigasyon, sinubukan umanong iwasan ng mga biktima ang isang aso na biglang tumawid sa highway. Dahil dito, nawalan ng kontrol ang nagmamaneho at tumilapon sila sa kalsada.
Agad namang isinugod sa pagamutan ang dalawang sugatan. Samantala, nasa kustodiya na ng Natividad Police Station ang napinsalang motorsiklo para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







