Dalawang government health office na makikita sa liblib na lugar sa Surigao del Norte, dinalahan ng medical equipment ng mga sundalo

42

Nakarating na sa Gigaquit Rural Health Unit at Provincial Health Office sa Dinagat Island ang mga donasyong Personal Protective Equipment (PPEs) para sa mga healthcare workers doon.

Ayon kay Second Lieutenant Benjamin Elisand De Dios, Acting Civil Military Operation Officers, ang mga PPEs ay ipinagkaloob ng Outstanding Women in Nation’s Service (TOWNS) Foundation Inc.


Bukod sa PPEs, namigay din sila ng kabuuang 500 piraso ng face masks, walong kahon ng gloves at 16 na piraso ng alcohol dispenser sa dalawang health office.

Tiniyak naman ni 30th Infantry Battalion Commanding Officer Lieutenant Colonel Ryan Charles Callanta na hindi sila magsasawang tumulong lalo na sa mga medical frontliners na lumalaban para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments