Dalawang grade school student, patay matapos malunod sa magkakahiwalay ng lugar sa La Union

La Union – Patay ang dalawang elementary student, matapos malunod sa batis sa kasagsagan ng malakas na ulan sa magkakahiwalay na lugar sa La Union.

Sa ulat ng Bagulin Police Station, pauwi na sana galing ng eskwelahan ang walong taong gulang na grade 2 pupil na si Rainier Arellano nang madulas sa batis at tangayin ng malakas na agos ng tubig.

Dead on arrival naman sa ospital ang grade 3 pupil at siyam na taong gulang na si Analyn Dingwas ng barangay Amontoc sa bayan ng San Gabriel.


Dahil dito, nagpaalala ang mga awtoridad sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak sa pagpasok sa paaralan at pauwi ng bahay lalo na sa mga dumaraan malapit sa mga daluyan ng tubig para maiwasang maulit ang mga ang trahedya.

Facebook Comments