Dalawang heavy equipment ng BSP company sa bayan ng Banga sa Aklan, sinunog

70

Aklan, Philippines – Dalawang heavy equipment ng BSP company ang sinunog kaninang madaling araw sa bayan ng Banga sa probinsya ng Aklan.

Sa report ng Banga MPS, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang police station sa katabing bayan ng Madalag kung saan inimporma sila tungkol sa nangyaring sunog.

Napag-alaman na dalawang equipment na bulldozer at grader ang halos naging kalansay na ng maabutan ng mga pulis sa Barangay Daguitan, Banga, Aklan.

Sa ngayon, hindi pa matiyak ng Bureau of Fire and Protection kung magkano ang danyos sa nangyaring sunog.

Samantala, base sa mga tao sa lugar mayroon silang napansin na pabalik-balil na motorsiklo sa nasabing Barangay Bago maganap ang insidente.

Nabatid na ang presensya ng naturang equipment ay dahil sa ginagawang kalsada o Banga-Libacao road.
DZXL558

Facebook Comments