Dalawang hinihinalang tulak ng droga, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Laguna

93

Laguna, Philippines – Patay ang dalawang hinihinalang tulak ng droga matapos manlaban sa mga pulis sa Barangay Caingin, Laguna.

Maghahain sana ng arrest warrant ang mga pulis laban kay Reynaldo Derla, alyas “Pataya” dahil sa kasong murder nang bigla nitong magpaputok ng baril.

Rumesbak rin ng putok ang kasamahang nitong si Danilo Holanday, alyas “Japorms” na naghihintay noon ng transaksyon sa droga nang madatnan ng mga operatiba.

Dead on the spot si Holanday habang dead on arrival sa ospital si Derla.

Narekober sa mga suspek ang 15 sachet ng hinihinalang shabu at dalawang baril.

Nabatid na patong-patong na kaso na ang kinahaharap ng dalawa dahil sa pagtutulak ng droga sa Laguna.

DZXL558

Facebook Comments