Dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga, arestado sa Marikina City

18

Kalaboso ang dalawang hinihinalaang drug pusher matapos na maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina Police Station sa No. 0125 Balubad St., NHA Area 1, Brgy. Nangka, Marikina City.

Kinilala ang mga suspek na sina Pee Jay Morron Gonzales, 37-anyos at Mark Lester Morron Gonzales, 30-anyos.


Ayon sa pahayag nina PCpl. Mark Jonathan Clado at Pat. Antonio Genio ng Station Drug Enforcement Unit Marikina City Police Station, nagsagawa ang mga operatiba ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek sa naturang lugar.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang dalawang pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 4 gramo na nagkakahalaga ng P27,200 at isang pirasong P500 na ginamit sa buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments