Dalawang hinihinalang tulak sa iligal na droga, timbog sa buy-bust operation sa Marikina City

88

Walang kawala ang dalawang hinihinalang drug pusher matapos na maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Tumana, Marikina City.

Kinilala ang mga suspek na sina Mabeth Fernandez Sta. Ana, 32-anyos, at Jovito Jogno Sevidal, 46-anyos.


Batay sa imbestigasyon ng Marikina Philippine National Police (PNP), nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Marikina City Station Drug Enforcement Unit na nagresulta ng pagkakaaresto sa dalawang suspek.

Narekober sa mga suspek ang 20 pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 25 gramo na nagkakahalaga ng P170,000, isang pouch, isang pirasong digital weighing scale at hundred peso bill na buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang mga suspek.

Facebook Comments