Dalawang HVT arestado ng PDEA ARMM sa Cotabato City

15

Arestado ang dalawang indibidwal na umanoy kabilang sa High Value Target ng Phillipine Drug Enforcement Agency ARMM sa ikinasang operasyon sa bahagi ng Riverside Malagapas RH 10 mag aalas dose kagabi.
Kinilala ni PDEA ARMM Director Juvenal Azurin ang mga naaresto na sina Tulonbai Abid Macmod, nasa tamang edad, sinasabing kawani ng Department of Agricultural Maguindanao at ang kanyang bapa na kinilalang si Nasrudin Kasa, nasa tamang edad, payong payong driver at nagpapakilalang mymebro ng moro National Liberation Front under Chairman Misuari.
Apatnaput anim na scahet ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa mga suspek maliban pa sa mga Bank Accounts, tseke, 2 Caliber 45 pistol at iba pang mga drug paraphernalia.
Target ng operasyon ang mister ni Tulonbai na di umanoy sangkot sa isang local drug syndicate na nag ooperate sa Cotabato at mga kalapit bayan.
Samantala sa panayam sa naarestong suspek na si TulonBai, mariin nitong itinatanggi ang mga alegasyon sa kanya. Isa lamang aniya itong ordinaryong kawani ng gobyerno at ang sinasabing mister nito ay isang sundalo na nakabase sa Zamboanga City.
Inihahanda naman ang kasong paglabag sa RA 9165 sa mga naaresto

Facebook Comments