Dalawang illegal bet collector naaresto sa Catanauan at Lucena City

35

Naaresto ng mga tauhan ng Quezon Provincial Police ang dalawang illegal bet collector sa magkahiway na operasyon sa mga bayan ng Catanauan at Lucena City.

Kinilala ang mga naarestong salarin na si Jose Ruby Recalde alyas Wakni, 63-anyos, Small Town lottery employee at residente ng Brgy. 05, Catanuan, Quezon.

Habang ang isa pang naaresto ay si Ricarda Aulistia Gamboa, 62-anyos at residente ng Sta. Teresa, Dalahican, Lucena City.

Sa ulat ng Quezon Police Provincial Office, magkasunod na naaresto ang dalawa sa ikinasang Anti-illegal gambling operation.

Narekober sa dalawang suspek ang ilang ebidensya katulad ng bet money at collection reform form.

Sa ngayon, nahaharap na sila sa mga kasong kriminal dahil sa pagiging illegal bet collector.

Facebook Comments