DALAWANG KASAMA SA REGIONAL TOP PRIORITY LIST SA USAPIN NG ILLEGAL DRUGS, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA DAGUPAN CITY

Arestado ang dalawang nasa listahan ng Regional Top Priority List sa usapin ng Illegal Drugs sa ikinasang Buy Bust Operation sa Dagupan City.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Shanelle Solomon at Free Robert Coveng mga residente ng lungsod.
Ikinasa ang Buy Bust Operation laban sa mga suspek, mag aalas dos ng madaling araw sa Brgy. Mayombo kung saan ay nagresulta ito ng pagkakakumpiska sa dalawa ang Isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1.1 gram at nagkakahalaga ng mahigit pitong libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa mga suspek. |ifmnews
Facebook Comments