Dalawang katao na gumagamit ng ilegal na droga arestado sa Manila

Kalaboso ng mga tauhan ng Manila Police Station 1 ng MPD ang dalawang katao matapos na mahulihan ng pinaniniwalaang shabu nang magsagawa ng buy bust operation sa Claro M Recto Avenue corner Rizal Ave., Sta Cruz, Manila.

Nakilala ang mga suspek na sina  Sandra Lomabao  36 anyos residente ng P Gomez St., Sta. Cruz Manila at  Raymond Bitanqor 25 anyos  redidente ng 807 Sky Lark Condominium Quiapo Manila.

Ayon kay Station Drug Enforcement Team P/Maj. Rommel Salazar nagsagawa sila ng buy bust operation sa kahabaan ng at nang iaabot ang 500 piso mark money ay agad inaresto ang mga suspek.


Narekober sa mga suspek ang 20 pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments