Dalawang katao patay habang 14 sugatan sa naganap na mass shooting sa isang party sa New York

193

Patay ang dalawang katao habang 14 ang sugatan sa nangyaring mass shooting sa isang party sa Rochester, New York.

Ayon kay Acting Police Chief Mark Simmons, hindi pa nilalabas ang pagkakakilanlan ng mga nasawi pero nasa edad 18-22 yrs old ang mga ito.

Dagdag pa niya, nasa maayos na ng kondisyon ang mga naturang sugatan sa insidente.

Sinabi rin ni Simmons, aalamin nila kung sino at ilan ang nagpaputok ng baril at kung ano ang motibo ng mga nasa likod ng pamamaril.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.

Facebook Comments