DALAWA KATAO, TIMBOG SA AKTONG POT SESSION SA ISANG BAR SA STA. MARIA, PANGASINAN

Nirespondehan ng awtoridad ang reklamo ng isang bar owner matapos masaksihan ang umano’y pot session ng dalawang katao sa isang KTV Bar sa Brgy. Samon, Sta. Maria, Pangasinan.

Nakilala ang mga suspek na isang 30 anyos na babae, tubong Benguet, at entertainer sa nasabing bar, at kasamahan nitong lalaki na residente ng Balungao, Pangasinan.

Nakumpiska sa crime scene ang 0.5 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng PhP3,400.00, at dalawang glass tube pipe (tooter) na may hinihinalang shabu residue; at isang plastic sachet.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Sta. Maria Municipal Police Station Officer in Charge, PMaj. Jaybram Casiano, naaresto ang babae habang ang lalaki ay patuloy nang tinutugis ng awtoridad.

Mas pinaigting din ngayon ang kampanya kontra rito sa bisinidad ng Sta. Maria at hinimok ang mga residente na isangguni ang anumang kinasasangkutan ng ipinagbabawal na droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments