
Tatlong indibidwal ang arestado ng Dagupan City Police Office (CPO) kaninang umaga, Marso 4, sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa lungsod kung saan nakumpiska ang tinatayang P39,440.00 halaga ng hinihinalang shabu.
Ayon sa ulat ng kapulisan, huli ang isang 44-anyos na babae sa Barangay Malued na kinilalang pawang residente ng Barangay Bonuan Gueset at isang laundry worker.
Nasamsam sa suspek ang dalawang heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 3 gramo at nagkakahalaga ng Php 20,400.
Bukod sa droga, nakumpiska rin ang ilang personal na gamit at buy-bust money.
Kasunod nito, sa Barangay Salisay naman, naaresto ang isang 54-anyos na babaeng residente ng Barangay Mayombo.
Narekober mula sa kanya ang isang sachet ng shabu na may timbang na 1.5 gramo at nagkakahalaga ng Php 10,200 at ang buy-bust money.
Samantala, huli rin ang isang lalaki sa Barangay II-III, na pawang residente ng Barangay Herrero-Perez matapos malumpiskahan ng isang sachet ng shabu na may timbang na 1.3 gramo at nagkakahalaga ng Php 8,840.
Ang tatlong suspek ay kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng CPO habang inihahanda ang mga kaso laban sa kanila para sa paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










