
Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang bagong komite na tututok sa kidnapping at labanan ang patuloy na paglaganap fake news sa bansa.
Ayon kay PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil, pangungunahan ni PNP Deputy Chief for Investigation Lt. Gen. Edgar Alan Okubo ang Joint Anti-Kidnapping Action Committee na tututok sa pagtukoy, pagsugpo at pag-neutralize ng mga organisadong kidnap for hire na operasyon sa bansa.
Habang si PNP Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Robert Rodriguez naman ang mangunguna sa Joint Anti-Fake News Action Committee na layong labanan ang lumalalang problema sa paglanap ng maling impormasyon at disimpormasyon sa publiko.
Layon ng dalawang komite na tugunan ang mga modernong banta mula sa kidnap for hire syndicates hanggang sa sa mga fake news campaign upang siguruhing mananaig ang batas at katotohanan.