Dalawang lalaki, arestado matapos mang-hostage ng isang batang babae sa Caloocan City

106

Arestado ang dalawang lalaki matapos hinostage ang isang batang babae sa Brgy. 32 sa Caloocan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Angelo Bautista, 26 anyos na residente ng nasabing barangay at John Lester Valdicantos, 30 anyos na nakatira mula sa Tondo, Maynila.


Ayon sa PNP-Caloocan, nakatanggap sila ng sumbong bandang alas 4:30 ng hapon kahapon.

Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na pinilit pumasok ni Bautista sa bahay ng biktima kung saan nakarinig ang mga kapitbahay ng mga putok ng baril.

Dito na naisipang magsumbong ng mga residente at tumagal nang ilang oras ang pakikipagnegosasyon sa suspek.

Kasunod nito, nakuha mula sa suspek ang isang baril, apat na bala at isang magazine.



Sa ngayon, nahaharap ang mga suspek sa patong patong na kaso kabilang na ang serious illegal detention at illegal possession of ammunition.


Facebook Comments