Dalawang lalaki, arestado sa ilegal na sugal sa Maynila

Kalaboso ang dalawang lalaki matapos masakote ng pulisya dahil sa ilegal na pagsasabong sa Manila North Harbour Center, Vitas, Tondo, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Jayson Sosito at Benjamin Caoile na kapwa nagtatrabaho sa Golden Shine Trucking.

Nabatid na unang nagsagawa ng Anti-Criminality Police Operation ang Manila Police District Station-1 sa kanilang area of responsibility ng maispatan ang dalawa na nagsasabong.


Agad na kinorner ng mga pulis ang dalawa kung saan todo tanggi sila noong una pero umamin din na nagsusugal pagsapit sa presinto.

Nakumpsika sa kanila ang dalawang manok na panabong na may tari at perang pamusta na aabot sa ₱1,460.

Facebook Comments