Dalawang lalaki, arestado sa iligal na droga sa Pasig City

24

Timbog ang dalawang matandang binata matapos na mahulihan ng iligal na droga habang nagsusugal sa V. Pozon Street., Brgy. Bambang, Pasig City.

Kinilala ang mga suspeck na sina Rodolfo Barrogo y Galos, 52-anyos at Jess Garcia y Tirao, 53-anyos kapwa mga binata.


Ayon kina Police Corporal John Michael De Leon at Police Corporal Nathaniel San Buenaventura, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang confidential informant tungkol sa illegal gambling activity sa V. Pozon Street, Barangay Bambang, Pasig City.

Agad nagtungo sila sa naturang lugar kung saan nagpulasan ang ilang mga nagsusugal at naabutan ang dalawa na nakumpiskahan ng 2 pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu na tumitimbang na 4 gramo at nagkakahalaga ito ng P27,200.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling ang mga kasong isinampa sa mga suspek.

Facebook Comments