Dalawang lalaki arestado sa illegal drug operation sa Sultan Kudarat Province

23

Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang dalawang lalaking tulak droga sa inilunsad na joint operation ng PDEA 12 at Lambayong municipal police station sa bayan ng Lambayong Sultan Kudarat Province nitong Huwebes ng hapon.
Kinilala ang dalawang naaresto na sina Arthur Delna Lumupog alyas tukil 35 anyos ,may asawa at residente ng Barangay Pidtubo sa bayan ng Pres. Quirino Sultan Kudarat province at si Raymond Bautista alyas Mart , 27 anyos , may asawa at residente ng barangay Tunggol sa bayan ng Datu Montawal Maguindanao.
Nakuha sa posesyon ng dalawa ang isang gramo ng pinaniniwalaang shabu at 500 pesos marked money.
Kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa dalawang suspect.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments