DALAWANG LALAKI, ARESTADO SA KASONG SERIOUS PHYSICAL INJURIES

Cauayan City – Arestado ang dalawang lalaki sa bisa ng warrant of arrest matapos magdulot ng malubhang pisikal na pinsala sa Maddela, Quirino.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Mike,” 28-anyos, at alyas “Atok,” 38-anyos na kapwa residente ng Brgy. Balligui, Maddela, Quirino.

Sa pangunguna ni Police Major William D. Agpalza, Hepe ng Pulisya ng Maddela, kasama ang Quirino Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit 2, at 2nd Quirino Police Mobile Force Company, naisilbi ang warrant of arrest na inilabas noong March 28, 2025, ni Hon. Michael Justo Tagare, Hukom ng Second Judicial Region, Municipal Circuit Trial Court, Branch 38, Maddela-Nagtipunan, Quirino, sa ilalim ng Criminal Case No. 2389.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Maddela Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasa sa korte.

Samantala mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa kasong Serious Physical Injury na konektado sa Paragraph 4 Article 263 of the Revised Penal Code.

Facebook Comments