Dalawang lalaki, inaresto dahil sa robbery snatching sa Pasay City

19

Hinuli ng mga tauhan ng Pasay City Police Station ang dalawang lalaki dahil sa robbery snatching sa Barangay 49, Zone 7, Pasay City.

Kinilala ang dalawang magnanakaw na sina Armando De Leon III, alyas “Popoy”, walang trabaho at residente ng Pasay City at Mark John Florida, 30-anyos, residente rin ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay City Police, hinablot ng dalawa ang cellphone ng biktima at agad itinakbo gamit ang motorsiklo.


Pero agad nakaresponde ang mga pulis na nagpapatrolya sa lugar kaya naaresto ang dalawa.

Sa ngayon nahaharap na sila sa kasong Robbery Snatching, Assault upon Agent of Person in Authority at Illegal Possession of Deadly Weapon.

Facebook Comments