Dalawang lalaki na tumangay sa isang delivery truck, arestado sa Makati City

35
Manila, Philippines – Arestado ang dalawa lalaki na tumangay sa isang delivery truck sa Brgy. Rizal, Makati City.
 
Ayon kay P/ Supt. Peter Dionisio, hepe ng task force limbas ng PNP HPG, sa tulong ng Global Positioning System o GPS, natunton nila ang mga suspek na sina Crisanto Macay at Rene Abrasado.
 
Aniya, naaktuhan pa nila si Macay na ang bababa ng mga kahong kahong produkto sa kaniyang inuupahang bahay.
 
Sinabi naman ng driver ng truck na si Jomar Apao, nalingat lang ang kasama niyang pahinante ay agad nang tinangay ng mga suspek ang truck.
 
Depensa ni Macay, inalok lang sa kaniya ang mga produkto sa murang halaga.
 
Habang iginiit ni Abrasado na pinabantayan lang sa kaniya ang mga idedeliver na kahon.
 
Nabatid na tinatayang nasa isangdaan libong pisong halaga ng mga biscuit at milk product ang tinanggay ng mga suspek.
 

 

Facebook Comments