Dalawang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Muntinlupa City, arestado sa buy-bust operation

Timbog ang dalawang lalaking hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga matapos ikasa ang buy-bust operation sa lungsod ng Muntinlupa pasado alas-2:00 ng hapon kahapon, July 11, 2020.

Nakilala ang mga suspek na sina Albert RC Delos Reyes, alyas ‘Santi’ at Donovan Villanueva Jobe, alyas ‘Bumbay’.

Nakuha mula sa kanila ang dalawang gramo ng hinihalang shabu na may katumbas na halagang P13,600 at perang P200 na ginamit bilang buy-bust money.


Ginawa ang nasabing operasyon sa Vivo Compound Purok 6 Brgy. Bayanan ng naturang lungsod matapos makumpirma ang ilegal na gawain ng mga suspek kaugnay sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Sa ngayon ay nakakulong na sa Muntinlupa Philippine National Police (PNP) ang mga suspek at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments