Dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo, arestado sa Makati City dahil sa pagdadala ng malaking halaga ng ilegal na droga

134

Arestado ng Makati City Police ang dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo dahil sa pagdadala ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P107,000.

Kinilala ang mga suspek na sina Raul Berdos, 47-anyos, at Glennford Alas, 50-anyos, kapwa residente ng Pasay City.


Nagpapatrolya ang Special Reaction Unit (SRU) at Tactical Motorcycle Riding Unit ng Makati Police nang mamataan ang dalawang suspek sa kanto ng Filmore at Calatagan St., Brgy. Palanan sa Makati City.

Sinita ng mga otoridad ang dalawang suspek dahil sa hindi pagsusuot ng helmet at nang isyuhan ng Official Violation Receipt (OVR), biglang pinaharurot ng rider ang motorsiklo kaya hinabol sila ng mga pulis at nabawi sa kanila ang halos 16 gramo ng shabu.

Ang dalawa ay nakapiit sa custodial facility ng pulisya at isasailalim sa inquest proceedings sa Makati Prosecutor’s Office.

Facebook Comments